Breaking News

KIDDIES GOT TREAT that DOESN'T HAPPEN EVERYDAY

For our History of Civilizations, Dulowtards Van Ybiernas and I brought our students to see the Iglesia ni Cristo Museum this morning.  And as Van puts it, the "kiddies got treat" that "doesn't happen everyday"-- we were toured by no less than the curator of the museum himself Brother Jun Cortes and the spokesperson of the whole church, Brother Edwil Zabala, both ministers of the gospels, gave time to be with us and answer our questions.



Siyempre masaya ako dahil pakilala ni Ka Jun Cortes na napapanood niya ako sa telebisyon at napanood niya ang aking Xiao Time ukol kay Ka Felix.  Nakilala ko na siya noon sa mga mas nauna kong pagbisita.  Pero nang pumasok ang Ka Edwil at ipinakilala sa akin, medyo nagfanboi ako pero hindi ko pinahalata.  Anuman, nang medyo nakipagkuwentuhan ako at tumambay kasama niya nalaman ko na siya pala ay naatasan na kami ay makasama upang sagutin ang amin katanungan, na sinuot niya ang tanging berdeng medyas niya bilang pagpupugay sa mga Lasalyano.

Total package and experience ng mga bata, napakaayos at napakaganda ng tour, nagbigay pa ng pulyeto na nagtataglay ng impormasyon ukol sa Iglesia.

Hindi lamang ukol sa pananampalataya kundi ukol sa ating pagkatao bilang Pilipino at pagkabansa ang napaglimian namin sa aming pagbisita.  Na kung titingnan namin ang mga relihiyon sa daigdig dapat din naming makita kung papaanong ang isang iglesiang Pilipino na inusig ng katakut-takot ay ngayon ay hindi lamang nagpapanatili ng wikang Filipino kundi iniluluwas pa ang ating kultura sa ibang bansa sa kanilang paglaganap sa mahigit 140 mga bansa at teritoryo.

Maraming salamat sa pamamahala ng Iglesia ni Cristo sa pribilehiyong ito.

Ka Felix episode:  https://youtube.com/watch?v=VyNSnnFt-Pk

Ka Erdy episode:  https://m.youtube.com/watch?v=GyQ0b1u7lwI

Diwang Pilipino sa INC (Sentenaryo):  https://m.youtube.com/watch?t=2s&v=3mct_RlfncM

Pagsaludo sa Ka Erdy ni Xiao Chua:  https://m.youtube.com/watch?v=pYIpnYK6pUY

Xiao Chua Michael Charleston Briones Chua Xiao Briones Chua Mangayaw Hangaway Pintados

No comments