UNOS - (Ang Pag-iingat ng Diyos sa Tagapamahalang Pangkalahatan)
Alas otso ng umaga ng October 15..
Rumaragasa ang bagyong Khanun sa Hongkong at sa Macau..
Mula sa Category 3 ay biglang itinaas ang alert level sa Category 8..
Nakagayak na ang mga kapatid sa Venetian Macau China sa isang pagsambang pangangasiwaan ng Tagapamahalang Pangkalahatan..
Mula sa pantalan ng Shun Tak Heliport o Hongkong-Macau Ferry Pier na nasa Sheung Wan ay naka alerto na ang Coast Guard upang ipatupad ang No Sail Policy dahil napakadelikado na ang maglayag..
Wala nang biyahe sa lupa, sa himpapawid maging sa dagat..
Ang nakakamangha..
Sa isang maiksing pakiusap ng namamahala sa mga opisyales ng pantalan..
Tanging ang sasakyang pandagat na gagamitin ng kapatid na Eduardo V Manalo at ng mga kasama ang bukod tanging pinayagang maglayag..
Makapigil hiningang paglalakbay sa gitna ng nagngangalit na dagat..
Panalangin at pagtitiwala sa Diyos ang lumulukob sa ferry boat na sinasakyan ng Pamamahala..
Ang kapatid na Eduardo V Manalo..
Ang laman ng kanilang isip ay ang mga kapatid na naghihintay..
Palibhasa'y ang kapakanan ng ating kaluluwa ang pinakatampok sa kanilang puso..
Walang pinipiling panahon..
Kahit malayo..
Kahit mapanganib..
"Sasabihan ang Jerusalem; Huwag kang matakot. Mahal kong Sion, huwag kang mawalan ng pag-asa; Ang iyong Diyos ay nariyan na kasama mo, isang makapangyarihang mandirigma ang naroroon na magliligtas sa iyo.."
Zefanias 3:16 MSG salin sa Tagalog
No comments