Breaking News

Istorya ng Matinding Pananampalataya

PANALANGIN
(Istorya ng Matinding Pananampalataya)






"That's Impossible.."

Ito ang mga katagang sinabi ng mga espesyalistang doktor sa Dipartimento Materno Infantile, isang ospital sa Italya kung saan naka confine ang anim na taong gulang na si kapatid na Angeline Doe..

Ito ay nang pakiusapan ni kapatid na Augustine Doe at Geraldine Doe ang mga doktor na kung baga maaari ay mailabas nila sa naturang hospital ang bata at madala sa kapilya ng Athens Greece kung saan ang pagsamba ay pangangasiwaan ng kapatid na Eduardo V Manalo sa pag-asang ang kanilang anak ay gagaling..

Araw ng huwebes noon, matapos ang mahabang pakiusapan at malagdaan ang mga kaukulang dokumento at waiver upang mairelease ang batang musmos na si Geraldine na nagdaranas ng hindi pangkaraniwang karamdaman..

"No matter how hard it is, I will make sure that I will carry my daughter to Brother Eduardo to pray for her.."

Ito ang paulit ulit na binibigkas ni kapatid na Augustine kay kapatid na Geraldine habang lumuluha..

Si ka Augustine, mula sa Monrovia Liberia at kasalukuyang Pangulong Diakono sa lokal ng Athens Greece..

Si ka Geraldine, mula sa Batac Ilocos Norte at diakonesa sa naturang lokal..

Ginugol nila ang nakaraang tatlong taon sa paghahanap ng solusyon upang kahit paano ay maibsan man lang ang paghihirap ng kanilang anak na si Angeline na pinahihirapan ng Stage 3 Bone-Marrow Cancer at Retinoblastoma, isang uri ng cancer sa mata..

Ang sabi ng mga espesyalista..

Hindi na makaliligtas ang bata sa parating na kamatayan..

Walang lunas..

Tatlong taon nang naghihirap si Angeline..

Tatlong taon na ding nakaluhod ang mag asawa sa kanilang mga pananalangin sa Diyos..

Mayo 6, 2017..

Araw ng Sabado..
Araw na pinakahihintay ng mga taga Greece..
Lalo't higit ng mag asawang Doe..

Nakadaupang palad ng mag asawa ang Tagapamahalang Pangkalahatan..

Umiiyak sila at ikinuwento ang kalagayan ng batang si Angeline..

Ang sabi ng Ka Eduardo..

"I will pray for her.."

Sa isang maliit na opisina ng lokal..

Ipinanalangin ng Tagapamahalang Pangkalahatan ang nasa bingit na ng kamatayan na si Angeline..

Matapos ang panalangin..

Nasaksihan ng lahat ang unti unting pagsigla sa ikinikilos ng noo'y nanghihinang bata..

Paglipas ng ilang araw ay muling ibinalik ng mag asawang Doe si kapatid na Angeline sa mga doktor upang muling ipasuri..

Namangha ang mga espesyalistang doktor..

"Everything was Clear.."

Magaling na si Angeline..

Ikinuwento ng mag asawang Doe sa hospital ang pangyayari..

Na ipinanalangin sa Diyos ng kapatid na Eduardo V Manalo si Angeline..

Ang sabi ng mga doktor..

"Whoever he is.."
"We are One with him.."

Si Angeline Doe..

Pinagaling ng Pananampalataya..

Salamat po Ama..

"He then told them a parable on the need for them to pray always and not become discouraged.."
Luke 18:1 Holman Christian Standard Bible




(c)Sharing The Right Path

No comments