HULING GABI AT ARAW NG ILIBING ANG KAPATID NA ERAÑO G. MANALO
Hindi ko malimot limot ang huling gabi at araw ng ilibing ang Kapatid na Eraño G. Manalo.
Isa kong handog, dating nanlamig sa aking pagka Iglesia Ni Cristo noon , Madalang akong sumamba may pagkakataon pa nga na kinakalimutan ko pa ang pagsamba. Kapag dadalawin ng katiwala tinataguan ko pa. Kung sumamba man ako di ko rin naman pinakikingang mabuti ang texto at di nakatalaga, late pumasok sa kapilya,naka t-shirt , rubber shoes , pantalon maong.
Ang aking magulang at ang aking kapatid at mga kamaganak na masisiglang kaanib ay lagi akong hinikayat na magpakasigla.
Dumating ang pagkakataon September 1 2009 , noong gabing iyon ako'y naglalaro ng skateboard sa Plaza sa Calamba , Laguna, nakaramdam ako ng pagod. bumili ako ng ice tubig sa tindahan, malapit sa pinaglalaruan namin. Hindi ko inaasahan ang laman pa la ng balita ay tungkol sa pagkamatay ng Ka.Erdy. Di ko alam ang nararamdaman ko, pero habang pinanood ko yung balita , tumulo ang luha ko.
Agad akong umuwi sa amin at nauna narin sila sa balita tungkol kay Ka.Erdy.
Malungkot ang aking mga kamag-anak at nakatutok lang din sa Net 25.
Kinabukasan pagpasok ko sa AMA Calamba naramdaman maging ng mga kaklase ko at kaibigan na malungkot ako, sinabi ko namatay yung lider namin si Ka.Erdy. Hindi maiwasan na kantswan ako na "di ko naman kaanuanu yun, parang ang O.A ko naman daw".
Sa huling lamay nagsabi ako sa kapatid ko na sasama ako sa pagpunta nila sa central, sobrang daming tao, humiwalay ako sa kanila sapagkat di ko din nmn kilala mga kasama nila ate. Ginusto kong makapasok subalit sobrang dami mg nakapila, at nag karoon pa ng cut off kaya napaka imposible na makapasok sa loob,maraming namimigay ng pagkain at inumin kaya di ka din magugutom, dun na din ako natulog sa lansangan kasama din ang ibang kapatid.
Sa araw ng libing marami parin gustong makapasok, ang baho na ng damit ko , basa pa ang sapatos sapagkat may paguulan ng panahong iyon,
Nung mga oras na kung saan ililibing na ang labi ni ka.Erdy. Kahit sulyap lang sa karo mararamdaman mo ang lungkot kahit na sa tv lang. Napapnood damang dama ang lungkot. May pagkakataon ang lakas ng ulan binuksan ang payong ng mga kapatid , suvalit mas pinili nila na isara na lang ayos lang mabasa , masulyapan lang kahit saglit kahit karo lang.
Sobrang Lungkot ng Panahong iyon, halos sumasabay ang ulan sa pagbuhos ng luha ng mga kapatid, ang iba napapasigaw sa iyak at napapasabi "Mahal na Mahal ka namin ka.Erdy, "
Sa araw ding yon nagpasya na ko na magpapakasigla sa pagsamba, Ayokong masayang pinagpagalan nila , ng ka.Felix Manalo, at maging ng Ka.Eraño G. Manalo. Napatuloy naman na Pinagsisikapan at itinataguyod ng Kapatid na Eduardo V. Manalo. Damo mo sa kanila na Mahal na Mahal nila ang Iglesia.
Kaya simula noong unang pagsamba na
Kita ko din sa sarili ko ang pagbabago.
Naka polo na ko pagsasamba, naka Slacks at naka black shoes., tumangap ng tungkulin, at nagpakasigla sa kapisanan At ngayon nga sa pagsamba naka Coat and tie na.
Hindi pa huli habang binibigyan pa tayo ng pagkakataon gawin nating magbago,magpakasigla at pangahawakan ang ating pagka Iglesia ni Cristo. Para din satin,
Gusto ito ng Sugo, ng Ka.Erdy at ng Ka.Eduardo Maligtas tayong lahat mga kapatid. At ito rin ang GUSTO NG DIYOS.
Share lang po ng experience.
Salamat po.
-esm
No comments